Nagrequest ka sakin dati na isulat ko story natin well ito na yun. its the least I can do.
well, here it goes..
lumipat kami sa brgy niyo dati at 1st ayoko talaga dito dahil mas gusto ko sa dati naming apartment, gusto ko mga tao dun kesa dito. minsan nagpaload ako hindi ko alam na kinuha mo na pala ang no. ko at nagtextan tayo, masayang textan halos hindi maubosan ng ikukwento sa isa't isa, hangang isang araw inlove na pala tayo sa isat isa. niyaya mo ako dati maginuman sa mga barkada mo medjo hindi na ako sanay uminum nun kaya ayun hilung hilo ako sumusuka pa nga tapos inaalalayan mo ako mula palengke hangang bahay. masaya tayong mga sumunod na araw hangang dumating ang pinakamasayang araw sa buhay natin, ang pagsagot mo sakin. lalong sumaya mga araw na nagdaan, naalala mo sinugod mo pa ex mo dahil lagi tayong ginugulo? pinagtatanggol mo ako kahit kaninu mahina kasi loob ko. Magsesecond sem na sabay tayong huminto mag-aral. Mas lalo tayong naging close sa isat isa hangang kinailangan mo ng magtrabaho halos long distance nangyayari satin pero lagi kitang dinadalaw at tinetext gusto ko kasi maramdaman mo pagmamahal ko sayo. ilang buwan ang lumipas umalis ka narin sa pinapasukan mo at dun ko nalamang nagkaroon ka ng iba. Ang sakit sakit pero mahal kita kaya di kita binitawan hinigpitan kita para di ka niya makuha nangako ka namang hihiwalayan mo siya kaya masaya tayo ulit. nung magkasama tayo nalaman kong kayo parin pala kaya pinalaya na kita nun naalala mo? pero umiyak ka at nakiusap na bigyan kita ng chance sabay pinutol mo sim mo. Pinagbigyan kita at hindi ka naman na nagloko ulit. Dumaan ang mga araw at kinailangan mo nanamang magtrabaho pero sa manila hindi kita madadalaw dun napakalyo nun kaya nakuntento nalang tayo sa mga tawag at text. umuuwi ka lang pag pasko o bagong taon pero ok lang mahal naman natin isat isa kahit madalas nagaaway tayo halos mauwi na sa hiwalayan nagkakabati parin tayo. dumating ang panahon na sobrang nangulila na ako sayo gusto na kitang pauwiin dito pero di ko magawa kasi wala naman akong kayang ibigay sayo hindi kita kayang buhayin. hangang natukso ako sa iba at minahal ko siya alam ko sobra kitang nasaktan nun pero wala akong magawa nung umuwi ka dito gusto na kitang balikan nun kaya lang natakot ako na baka hindi na tao maging tulad ng dati... Pinagsisisihan ko yun pero masaya ako para sayo...
gusto ko lang tuparin promise ko sayo ito na yung love story natin, sad love story. sana maging tulad parin tayo ng dati kahit kaibigan nalang... last na to ayokong makigulo sa bagong lovestory ng buhay mo :-)
To all the readers
hindi ito katang isip lang true story to. payo lang guys wag ninyo bitawan ang alam niyong hindi niyo kayang makitang hawak ng iba......